(Midsayap,
North Cotabato/ August 23, 2013) ---Mas naghigpit ng seguridad ngayon ang
Midsayap PNP kasunod ng pagpapalaya sa kidnap victim na si Mark Anthony Bayan
Kamakalawa ng madaling araw.
Ayon kay Midsayap PNP Chief of Police Supt. Reynante Delos Santos, dinagdagan ang checkpoint sa mga entry at exit points ng bayan upang hindi na maulit pa ang pagdukot sa sinumang indibidwal sa Midsayap.
Ayon kay Midsayap PNP Chief of Police Supt. Reynante Delos Santos, dinagdagan ang checkpoint sa mga entry at exit points ng bayan upang hindi na maulit pa ang pagdukot sa sinumang indibidwal sa Midsayap.
Una rito, pinalaya na ng kanyang mga kidnapper ang 19-anyos na anak ng negosyante sa Midsayap, North Cotabato dakong alas dos ng madaling araw Kahapon.
Sinabi ni North Cotabato executive assistant Jessie Ined na nasa maayos na kalagayan na ngayon si Bayan at patuloy na isinasailalim sa stress debriefing matapos mabihag ng higit isang linggo.
Nilinaw din ni Ined na hindi nagbigay ng ransom ang pamilya Bayan o ang pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato kapalit ng pagpapalaya kay Mark Anthony.
Tumanggi naman ang opisyal na isapubliko kung saan partikular na pinalaya si Bayan para na rin sa kaligtasan ng pamilya ng biktima.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung anong grupo ang nasa likod ng pagdukot kay Mark Anthony Bayan noong August 10 sa Barangay Tumbras, Midsayap, North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento