(Kabacan, North Cotabato/ August 20, 2013) ---Iginiit ngayon ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza na ang presyo ng goma sa probinsiya ay hindi kontrolado ng kartel at higit hindi ito monopoly o dikta ng isang tao ang presyo.
Ginawa ng gobernador ang pahayag batay naman sa mga data na inilabas ng mga traders at mga eksperto sa agrikultura sa isinagawang 1st Regional Rubber Forum sa Central Mindanao na ginanap nitong Lunes sa USMARC Auditorium, USM, Kabacan, Cotabato.
Sinabi nitong ang presyo ng goma ay nakabatay sa supply and demand.
Aniya, malaki umano ang demand ng rubber pero limitado lamang ang supply ng mga magsasaka sa probinsiya.
Karamihan pa umano sa mga traders at mga buying stations ay dimayado sa low quality ng mga rubber cup lumps ng mga magsasaka.
Ayon kay FARMA Rubber Industries chief executive Officer Bonifacio Tan na wala silang dikta sa presyo ng goma sa halip ito ay naka-depende aniya sa kung magkano ang umiiral na presyuhan sa pandaigdigang pamilihan at sa kalidad ng cup lumps.
Bukod dito, malaki din ang epekto sa preso ang layo ng processing plant.
Ipinaliwanag ni Tan na ang presyo ng goma ay batay sa kung magkakano ang local buying price ng cump lump base sa export price nito kapwa processed rubber at cup lump base sa 100 porsientong dry rubber cup lump o DRC tsaka ibabawas sa kabuuang gastos sa trucking o delivery. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento