(Arakan, North Cotabato/ August 19, 2013)
---Sinunog ng mga pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples’ Army (NPA) ang mga kagamitan sa paggawa ng Dam sa loob
ng watershed sa bayan ng Arakan, North cotabato kahaponng hapon.
Ayon sa report ng Arakan PNP pinasok umano ng
mga armadong kalalakihan ang watershed area ng University of the
Philippines-Mindanao (UP-Mindanao) Reservation sa Barangay Ladayon sa nasabing
bayan at sinilaban angmga equipment na nakaparada sa loob.
Ang dam project ay ipinapatupad ng Department of
Agriculture (DA) sa ilalim ng office of Agriculture Undersecretary Dante
Delima.
Sinasabing mga grupo ng
NPA rebels na may operasyon sa bulubunduking lugar ng Arakan at sa bounbdary ng
Bukidnon ang responsible sa nasabing panununog.
Ang nasabing panununog
ng mga rebeldeng grupo, nangyari matapos na sinilaban din ang mga sasakyan na
pag-mamay-ari ng Sumifru Corporation sa Barangay Bangbang sa bayan Matalam.
Tinatayang aabot sa
P3.5M ang nalaga ngmga kagamitang nasunog batay sa ulat ng 6th Infantry
Division Philippine Army. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento