Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) P200,000 reward money sa Kabacan Blast

Joint MDRRMC & MPOC Meeting re: Kabacan Explosion
(Kabacan, North Cotabato/ November 17, 2014) ---Magbibigay ng P100,000 na pabuya si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at P100,000 naman ang mula sa LGU Kabacan, ayon kay Mayor Herlo Guzman Jr., sa sinumang makapagturo sa mga responsable sa pagpapasabog sa overpass ng Kabacan kagabi.

Ito ang sinabi ng dalawang opisyal sa hiwalay na panayam ng DXVL News kaninang umaga.

Kapwa naglaan ang dalawang lider upang mabilis na mabigyan ng hustiya ang nangyaring pagpapasabog sa Kabacan kagabi.

Matatandaan na isang College Student ang namatay makaraang napuruhan sa ulo habang 16 katao na pawang mga college student ng University of Southern Mindanao ang nasugatan matapos na sumambulat ang improvised explosive device sa overpass ng Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:40 kagabi.

Kinilala ni Health Emergency Management Officer Honey Joy Cabellon ang namatay na si Monique Mantawil, 19-anyos, 2nd year Development Communication ng University of Southern Mindanao.

Sugatan naman sa nasabing pagsabog na ngayon ay patuloy na ginagamot ngayon sa  Cotabato Provincial Hospital sina: Richie Baguio, Technician, OSY; Mohamid Masukat, BS InfoSys, Midsayap, Cotabato; Queen Mary Alimihamed residente ng Liton, Kayaga, Kabacan; Arvie Estrella, BS Agri Bus, Kidapawan City; Giezel Mae Butil, 17, BSE, Isulan Sultan Kudarat, Albert Pagatpat, BSA, Alabel, Saranggani; Rowena Nofies, 17, BSA; Tonton Kusain, 21, BSBE, Midsayap, Cotabato; Girlie Roiles, 17, BS computer Engineering, Kilagasan, Kabacan; Samrah Sembaga, 19, BS Bio; Jestoni Gevero, 20; 4th year High School ng Kabacan National High School at residente ng Sitio Liton, Kayaga; Ibrahim Buntulay, 19, AB PolScie, Pikit, Cotabato at Hartzel Bragat, 18, BS Bio ng Katipunan, Arakan.

Ang mga isinugod naman sa Kidapawan Medical Specialist ay sina: Merwin Lagat, BSE at Rojanna Plo, BSE, Patadon, Matalam, Cotabato.

Sugatan naman ang isa pang BPAT na kinilalang si Usman Dimacaling ng rumenponde ito sa pinangyarihan ng insidente.

Ayon kay PSI Jerwin Castroverde, OIC ang IED ay gawa sa 60mm mortar at itinanim ng di pa nakilalang suspek sa taas ng overpass.

Kaugnay nito, agad na kinondena ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang pagsabog sa Kabacan na aniya ay isang karumal-dumal ang ginawang ito ng di pa nakikilalang mga suspect at tinawag niya itong barbaric act.

Nalulungkot ang gobernadora dahil pawang mga inosenteng sibilyan ang tinamaan at nadamay sa insidente.

Agad namang nagpatawag ng joint MDRRMC at MPOC meeting ang alkalde upang maglatag ng mas mahigpit na seguridad sa bayan ng Kabacan matapos ang nasabing insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento