Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Evening classes ng USM, inilipat na sa Biyernes

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Dahil sa nangyaring insidenteng pagpapasabog sa bayan ng Kabacan, inilipat ng pamunuan ng University of Southern Mindanao ang klase mula 5:30 pababa sa araw ng Biyernes.

Ito ayon kay USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ginawa ng opisyal ang hakbang para na rin sa seguridad hindi lamang ng mga estudyante ng Pamantasan kundi ng mga kawani at para sa lahat.

Sa ginawang pagpupulong ng administrative council ang inihaing rekomendasyon ni Dr. Ampang ay aprubado naman sa council.

Kaya epektibo kahapon ay kanila na itong ipapatupad.


Samantala, inihayag pa ni Dr. Ampang na magsisimula naman ang curfew sa loob ng Unibersidad alas 6:00 ng gabi maliban lamang sa ilang mga unit na may over time at yung nangangailangan ng serbisyong pang gabi kagaya ng USM hospital. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento