Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Witness sa Maguindanao Massacre, itinumba

(North Cotabato/ November 20, 2014) ---Pinabulagta ang isa sa bagong witnesses sa Maguindanao Massacre case habang isa naman ang sugatan matapos tambangan ng mga di-kilalang kalala­kihan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang napatay na si Denix Sakal ng Shariff Aguak at sinasabing da­ting driver ni Andal “Datu Unsay” Ampatuan, Jr. habang sugatan naman ang kasama nitong si Sukarno “Butch” Saudagal na dati namang “bagman” o nagdadala ng bag na may lamang pera ni Datu Unsay.

Ayon kay Governor Mangudadatu, patungo sana ang mga biktima sa bayan ng Buluan sa Maguindanao upang makipagkita sa mga abogado nito subalit niratrat pagsapit sa Barangay Bagong, Shariff Aguak.

Nabatid na pirma na lang sana ang kulang sa statement nina Sakal at Saudagal para dalhin sa Maynila laban sa mga akusado ng Maguindanao Massacre.

Wala namang nakikitang ibang motibo si Governor Mangudadatu sa pag-ambush sa mga biktima, ma­liban sa paglantad ng mga ito bilang bagong witnesses sa nasabing kaso.

Tiniyak naman ni Go­vernor Mangudadatu sa pamilya ng mga biktima na patuloy nilang iimbestigahan ang naganap na pana­nambang para mabigyan ito ng hustisya. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento