PNEUMONIA, NANGUNANG SAKIT SA KABACAN AYON SA USM HOSPITAL
Community acquired pneumonia ang nangunang sakit sa bayan ng Kabacan na naitala ng USM Hospital sa buwan ng Enero ngayong taon.
Batay sa mga datos na nakalap ng DXVL, dalawampu’t apat (24) na kaso ng pneumonia ang nai-rekord ng nasabing ospital .
Ayon kay Larcy Cadi, head nurse ng USM Hospital, ang pagkakasakit umano ng mga pasyenteng may pulmonya ay kanila umanong nakuha sa kanilang kapaligiran.
Liban sa sakit na ito, tinukoy din ni Cadi ang ilang mga sakit na kasama sa top ten sa buong buwan batay sa mga bilang ng mga nagkakasakit. Ang ilan sa mga ito ay urinary tract infection o UTI, acute gastro-enteritis, bronchopneumonia, acute gastritis, essential hypertemia at intestinal amoebasis.
Upang maiwasan ang mga ganitong karamdaman, aniya, makabubuti umanong palaging magdala ng payong bilang proteksyon sa pabagu-bagong klima at marapating umiwas sa mga taong may ubo at sakit.
Dagdag pa ni Cadi, na mas maganda ring uminom ng Vitamin C para mapataas ang resistensya ng katawan ngunit mas mainam umano na komunsulta sa mga eksperto sa kalusugan kapag may nararamdaman na umanong hindi maganda sa pangangatawan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento