DXVL Staff
...
Huwebes, Pebrero 24, 2011
No comments
OSA NAGHAHANDA NA PARA SA GAWAD PARANGAL 2011
Tumatanggap na ang Office of Student Affairs o OSA ng mga aplikasyon para sa Gawad Parangal ngayong taon.
Ayon kay Prof. Anita Testado, in-charge sa Student Organizations Division, marami-raming estudyante, local student government (LSG), at iba pang organisasyon ang nakapagpalista na upang sumali sa individual at group categories.
Ang mga nagpalista sa indibidwal na kategorya ay maglalaban-laban sa Most Oustanding Student of the Year, Most Outstanding Student Leader, Most Outstanding Governor, Most Outstanding Organization President na kakatawan sa apat na councils of organizations sa USM.
Magtutunggalian naman ang mga LSG para sa Outstanding Local Student Government, at mga organisasyon na nahahati sa apat: Outstanding Campus Ministry; Outstanding Society; Outstanding Organization for In-campus Service; Outstanding Organization for Off-campus Service;at Outstanding Fraternity/ sorority para sa group category.
Wala pang nakatakdang araw kung kailan gaganapin ang nasabing parangal ngunit sabi ni Testado na maari itong idaos bago o pagkatapos ng Final Exam ngayong March 15-19.
Dagdag pa ni Testado na hindi isasabay ang Gawad Parangal sa University Recognition Day gaya ng mga nakaraang taon upang mas ma-highlight ang mga extra-curricular activities ng mga estudyante.
Samantala, hinihikayat naman niya ang iba pang mga interesadong USMian at mga organisasyon na hindi pa nakakapag-apply na may panahon pa upang makapaghanda ng mga requirements bago sasapit ang deadline sa March 2.
Dagdag pa niya na kung may mga katanungan hinggil sa parangal na ito ay marapatin lamang na sumangguni sa OSA at upang makapagkuha ng application forms.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento