DXVL Staff
...
Huwebes, Pebrero 24, 2011
No comments
USM-ROTC UNIT MULING NAGING KAMPEON SA RAAFE
Muling naging kampeon ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) Unit ng University of Southern Mindanao sa katatapos lang na Regional Annual Administrative Performance Evaluation (RAAPE).
Ayon kay Master Sergeant Joseph Morales, ang training supervisor ng USM-ROTC, nakakuha ng kabuuang average na 92.9216 ang unit upang mapagwagian ang nasabing kompetisyon na dinaluhan ng labindalawang (12) mga paaralan.
Aniya, ang malakas na suporta umano na binibigay ng USM administration sa ROTC, pagiging disiplinado ng mga officers, kagalingan ng mga officers sa theoretical exams ang mga naging daan ng tagumpay ng USM-ROTC Unit ngayong taon.
Ang RAAPE ay taunang ebalwasyon sa mga paaralan hinggil sa performance ng mga estudyanteng sumasailalim sa ROTC na pinangunahan ni Col. Roger Madalugdog ng ARESCOM.
Pagkatapos ng RAAPE, ay National Annual Administrative Prerformance Evaluation (NAAFE) na susubukan umano ng USM-ROTC Unit na daluhan sapagkat tinatantiya pa nila umano kung kakayanin ng budget ang nasabinng kompetisyon.
Matatandaang noong nakaraang taon ay tinanghal rin na kampeon ang USM-ROTC Unit sa RAAPE.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento