Pagpostpone sa ARMM Election sa Agosto nakaaalarma umano ayon sa isang opisyal ng Rehiyon
Nakaaalarma umano ang pagpostpone ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Election ayon kay Sarangani Governor Migz Dominguez.
Ayon sa gobernador, hindi umano nagpatawag ng konsultasyon ang kahit ni isa mang congressman ng rehiyon bago isinagawa ang botohan na pinangunahan ng Mindanao Committee for Postponement.
Dagdag pa niya, wala rin umano silang makitang real justification upang ipagpaliban ang eleksyon. Aniya, sa ganitong desisyon, tila kinitil umano ang karapatan ng mga taga-ARMM na pumili ng mga bagong opisyal para sa kanilang rehiyon.
Sinabi ng gobernador na ang pagpapaliban ng ARMM Election ay maaari umanong magdulot ng instability sa rehiyon at isa umano itong indikasyon na bumababa na ang demokrasiya sa Mindanao .
Bilang isang lider sa Mindanao , ani Dominguez, wala siya umanong personal na agenda hinggil sa di pagsang-ayon sa pagpapalibang ito.
Ang kanya umanong iniisip ay ang mga saloobin ng mga Pilipino sa nasabing rehiyon.
Samantala, inihalintulad niya ang ARMM Election sa MOA-AD na kung saan walang konsultasyon na naganap.
Aniya, bilang isang lupon ng mga lider ng Mindanao, nararapat lang umanong magkaisa upang isulong ang demokrasya sa Mindanao .
Samantala, tumanggi namang magbigay ng kumento si Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu sa umuugong na balita na posible umano tatakbo si dating Sultan Kudarat Pax Mangudadatu sa ARMM election.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento