Pagbuo ng 3rd District sa probinsiya ng North Cotabato ; aprubado na
Aprubado na sa mababang kapulungan ng kongreso ang pagbuo ng bagong distrito sa probinsiya ng North Cotabato .
Ito ang inihayag kahapon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa isinagawang punong pambalitaan sa provincial capitol.
Ayon sa gobernadora ang pagbuo ng 3rd district sa lalawigan ng North Cotabato ay matagal na umanong isinusulong maging sa panahon pa ni dating Governor Diaz.
Base sa populasyon ng probinsiya, land area at ang Internal Revenue Allotment (IRA) ang North Cotabato ay maari na umanong makapagbuo ng 3rd District.
Sa nasabing panukala, ang mga bayan na sakop ng 1st District ay ang sumusunod: Alamada, Aleosan, Libungan, Midsayap, Pigcawayan at bayan ng Pikit.
Ang 2nd District ay binubuo ng mga bayan ng Antipas, Arakan, President Roxas, Magpet, Makilala at ang lungsod ng Kidapawan.
Habang sakop naman ng 3rd District sa probinsiya ang bayan ng Banisilan, Carmen, Kabacan, Matalam, M’lang at Tulunan.
DXVL Staff
...
Huwebes, Pebrero 24, 2011
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento