Midsayap PNP; nakakatanggap umano ng threats, matapos matukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong mga kidnappers na napatay
Tatlo sa limang napatay na kidnapper sa bayan ng Midsayap North Cotabato ay nakilala narin ng Midsayap PNP at dalawa dito ay naclaim narin ng mga kamag-anak…
Ayon kay Police Insp.Enilo Galelea ang Officer In Charge ng Midsayap PNP, kinilala ang isa sa pangalang Miko Tasil Daud na nakatira sa barangay Matigabong Ampatuan Maguindanao, habang ang isa ay Kasanudin Nasser Mangko 26 anyos na residente ng Pinaring Sultan Kudarat at ang isa ay nakilala lang sa alyas na pangalang K-9.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga nagclaim na kamag-anak hinggil sa kung bakit nasangkot ang kanilang kamag-anak sa tangkang pagdukot kay Frank Chong, isang negosyante.
Samantala pormal naring pinagharap kahapon ng kaso sa piskalya si Ali Mama ang nahuling kidnaper.
Samantala makaraang na-neutralized ng kapulisan ang limang kidnaper ay nakakatanggap na ngayon ng threats ang Midsayap PNP mula sa kasamahan ng napatay na mga kidnaper.
Ayon kay Insp.Galelea may mga impormasyon silang natatanggap na reresbak daw ang mga kasamahan ng kidnaper.
Sinabi nitong handa naman daw sila kung sakaling gaganti ang mga kasamahan ng mga kidnaper.
Aniya nakaalerto naman daw ang taumbayan kung saan mabilis umanong nagrereport kung may mapansing kahina-hinalang individual.
Nagbabala si North Cotabato Provincial Police Director police Sr.Supt.Cornelio Salinas sa mga masasamang loob na nagbabalak na pumasok sa probinsiya at maghasik ng krimen na wala silang puwang para magtagumpay sa kanilang masamang balakin.
Aniya sasapitin din ng criminal na manggugulo sa probinsya ang sinapit ng limang kidnaper sa bayan ng Midsayap.
Maganda umano ang partisipasyon ng taumbayan sa pulisya at sundalo kayat medaling narerespondehan ang mga insedente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento