Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Paggunita ng Semana Santa sa Bayan ng Kabacan; naging mapayapa

(Kabacan, North Cotabato/April 9, 2012) ---Naging mapayapa sa kabuuan ang paggunita ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan base sa assessment ng pulisya simula noong Linggo ng palaspas hanggang sa Linggo ng pagkabuhay o ester Sunday.

Ito ang napag-alaman ng DXVL Radyo ng Bayan ngayong umaga sa Kabacan PNP.
Una naring kinumpirma kahapon P/Supt. Joseph Semillano matapos na walang naitalang mga untoward incidents ang Kabacan sa buong paggunita ng Semana Santa.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na mananatili naka alerto ang mga element ng Kabacan PNP para sa pagbabantay sa seguridad kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa terminal.
Samantala isang shooting incident naman ang naitala ng Kidapawan City PNP alas 8:30 kagabi.
Biktima sa nasabing pamamril ang isang opisyal ng brgy ng Kidapawan City.
Bukod ditto, naireport din ng Arakan PNP ang isang pugante na kanilang nahuli 17 taon na ang nakakaraan sa kasagsagan ng semana santa.
Sa ngayon ay naki pag negosasyon na ang Arakan PNP sa Davao Penal colony para sa paglilipat sa nasabing pugante.
Inaalam na ng mga pulisya ang motibo ng nasabing pamamaril.
Sa kabuuan sinabi naman ng mga otoridad na nagging mapayapa ang paggunita ng semana santa sa buong probinsya ng North Cotabato. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento