(Carmen,
North Cotabato/April 9, 2012) ---Abot sa mahigit kumulang sa anim na daang
boardfeet na iba’t-ibang klaseng mga kahoy ang nakumpiska ng mga otoridad alas
4:00 ng hapon nitong Miyerkules Santo sa Brgy. Malapag, Carmen, North Cotabato.
Nanguna
sa nasabing kampanya kontra illegal logging si P/Insp. Jordine Maribojo ng
Carmen PNP kasama si SP04 Romeo Amande at ilang mga brgy opisyal sa lugar.
Ang
nasabing mga kahoy ay inabandona na pag dating mga pulisya sa nasabing brgy
bagama’t naputol na sa iba’t-ibang laki.
Agad
namang dinala sa kustodiya ng Carmen PNP ang ansabing mga kahoy habang
isasailalim sa imbestigasyon ng DENR ang mga ito. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento