(Carmen, North
Cotabato/April 13, 2012) ---Dalawang mga pinaniniwalaang mga remnants ng notorious
Al-khobar group ang nasa likod ng pinakahuling pambobomba sa Carmen, North
cotabato na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng 17 iba pa.
Ito ayon kay P/SSupt.
Cornelio Salinas, Provincial director ng North Cotabato matapos na matukoy ng
ilang mga testigo batay sa ipinakitang photos of gallery ng mga most wanted
criminal sa Southwest Mindanao.
Bagama’t tumanggi ihayag
ni Salinas ang pagkakakilalan ng mga suspetsado patuloy naman nila ngayong
tinutugis ang mga salarin, ito upang di madiskarel ang ginagawa nilang
imbestigasyon.
Una na ring sinabi ni
Salinas na Extortion ang posibleng motibo sa nasabing pagpapasabog sa Rural
Transit Bus na may body number 2922 at plate number KVS-740.
Nitong Pebrero a-7, isa ring IED
ang sumabog sa loob ng bus na nagresulta sa pagkakasugat ng isa katao.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento