(Kidapawan City/April 13, 2012) ---Hangga’t
walang nakasaulat sa memorandum of agreement o MoA na dapat mabigyan ng
direktang suplay ng kuryente ang North Cotabato mula sa planta ng geothermal
power project ng Energy Development Corporation o EDC sa Mount Apo walang endorsement
na mangyayari.
Ito ayon kay Kidapawan City councilor Lauro
Taynan na dapat ay ilagay sa memorandum of agreement o MoA na mabigyan ng
direktang suplay ng kuryente ang North Cotabato mula sa planta.
Hanggang ngayon kasi, nakabinbin pa rin ang hinihinging
endorsement ng EDC mula sa city LGU.
Paliwanag ni Taynan na ang nais lamang nila’ng
protektahan sa paggiiit nila ng direkta at tuluy-tuloy na suplay ng kuryente ay
ang mga mamamayan at mga negosyante na sa ngayon ay nape-perhuwisyo na sa halos
apat na oras na rotating blackout kada araw.
Pero para sa EDC, mahalaga ang endorsement at ang MoA
signing para sa proyekto para magtuluy-tuloy na ang pagpapatayo nila ng planta
sa Mount Apo.
Inaasahan ng EDC na magsisimula na ang commissioning ng
planta sa taong 2015.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento