(Carmen, North Cotabato/april 11, 2012) --- Kinumpirma sa DXVL – Radyo ng bayan ngayong hapon lamang ni PSSUPT. Cornelio Salinas, Cotabato Provincial Director na dalawa lamang ang nasawi habang 17 naman ang sugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device na gawa sa 60mm mortar na inilagay sa loob ng isang Rural Transit Bus sa bayan ng Carmen, North Cotabato dakong alas 10:40 kaninang umaga.
Kinilala
naman ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen, PNP ang mga binawian
ng buhay na sina Gladzin Himpiso, 10 at Rona Mae Causing.
Samantala
narito naman ang mga pangalan ng mga sugatan:
1.
Guiariah Danggo
2.
Marvin Marvicnal
3.
Basilisa Aninipot
4.
Sonny Balanag
5.
Leo Limsiano, 44, Negros Occidental
6.
Alvin Diaz
7.
Lovina Ayco
8.
Lea Faviona
9.
Analyn Suico, 33, Barangay Malanduage, Kabacan, N Cotabato
11.
Hara Janine Cosca
12.
Allan Himpiso, Sr
13.
Allan Himpiso, Jr
14.
Judy Ann Sumaylon, 9, Valencia, Bukidnon
15.
Esleta Luneza
16.
Rosa Dela Garbo, 42, M'lang, N Cotabato
17.
Alberto Isidro, 36, Tulunan, N Cotabato
18.
Jenny Bergonioa, 34, Brgy. San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat
Ayon
sa report ng Carmen PNP, galing ng lungsod ng Tacurong ang rural transit Bus na
may plakang KVS 740 at body number 2922 ng pagdating nito sa bayan ng Carmen
papasok sa public terminal ay sumabog ang ied na inilagay sa hulihang upaan ng
bus na dahilan din ng pagkasira ng gilid na bahagi ng nasabing sasakyan.
Sa
inisyal na report, nabatid na sakay umano ang suspek na naglagay ng ied sa loob
ng bus mula sa terminal ng bayan ng Kabacan.
Bagama’t
may pangalan na ang mga otoridad, tumanggi munang ihayag ni chief inspector
maribojo ang pangalan ng suspek para hindi madiskarel ang ginagawa nialng
imbestigasyon.
Naniniwala
naman si PSSUPT Cornelio Salinas, ang Provincial director ng north Cotabato na
extortion ang motibo ng nasabing pagpapasabog batay sa sinusundan nilang
anggulo at ang mga signature sa paggawa ng ied.
Napag-alaman
na ang bomba ay inilagay sa brown box na sisidlan at inilagay sa 2nd
to the last na upaan ng de luxe rural transit na may lulang 60 mga pasahero na
galing sa terminal ng kabacan.
Sa
pinakahuling report na ating nakuha mula sa Carmen pnp grupong al khobar ang
nasa likod ng nasabing pagpapasabog.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento