(Kidapawan City/April 9, 2012) ---
Patay ang isang barangay kagawad nang barilin ng mga di pa nakilalang mga
salarin alas 8:30 kagabi sa lungsod ng Kidapawan.
Kinilala ng Kidapawan city PNP ang
biktima na si Pedring Tuan, may asawa at residente ng Barangay New Meohao.
Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad
ang biktima sa harap ng Holy Mediatrix Cathedral sa bahagi ng National Highway
ng biglang sumulpot ang mga riding in tandem na mga suspek at pinagbabaril ito
gamit ang kalibre. 45 na pistol batay sa mga empty shell na narekober sa crime
scene.
Sa ulo at dibdib ang tama ng biktima
na naging dahilan ng agara nitong kamatayan habang mabilis namang tumakas ang
mga salarin patungo sa direksiyon ng bayan ng Magpet, North Cotabato.
Blanko pa rin ang mga otoridad sa
motibo ng nasabing pamamaril habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon.
(Rhodz Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento