(Kidapawan City/April 12, 2012) ---Dead
on Arrival sa ospital ang isang 39-anyos na trabahante ng plantasyon ng tubo sa
Kidapawan City makaraang magtamo ng labin dalawang sugat sa iba’t-ibang katawan
nito alas 5:00 ng umaga kamakalawa.
Kinilala ng Kidapawan City PNP ang
biktima na si Bobby Sampangon Sulayman.
Si Sulayman ay pinagtataga ng limang
mga lalaki, ayon sa report.
Patay na nang ihatid sa pinakamalapit
na ospital ang biktima.
Kinilala ng Kidapawan City PNP ang
mga suspect na sina Rico Untang at kapatid nitong si Ricky; isang Antoy
Subawan, na pawang taga-Kamarahan, President Roxas; isang Jijie Enok at Ramby
Palimba na kapwa taga-Sitio Puas Inda, Barangay Amas, Kidapawan City..
Nabatid na nagtatrabaho sa plantasyon
ng tubo ang biktima at mga suspect sa may Sitio New Kalibo, Kilometer 110, sa
Barangay Amas, nang magtalo.
Ginamit ng mga suspect sa pananaga sa
biktima ang gamit nilang lagaraw.
Mabilis namang tumakas ang mga
salarin papalayo sa di malamang direksiyon matapos na makitang nakahandusay sa
plantasyon ang biktima. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento