Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dagdag-sahod sa Soccsksargen Region ipatutupad sa susunod na linggo

(Koronadal City/ April 11, 2012) ---Simula  sa  Abril 18,   ipatutupad  na unang   bugso  ng   dagdag-sahod  para sa  mga  manggagawa  sa  pribadong sektor  sa  buong  Soccsksargen  Region.


Batay  sa  Wage Order No. 17 ng  Regional  Tripartite  Wages  and  Productivity  Board ng  Rehiyon 12 na sinimulang  inilathala  noong Abril 4,   anim na pisong  cost  of living  allowance  ang idadagdag sa  arawang  sahod ng mga  manggagawa sa   retail at  service  sector,  walong piso  sa  agriculture  sector, at  sampung  piso  sa  non-agriculture  sector.


Dahil ipinasok  na  sa basic  salary  ang   P15  na  arawang COLA na iniutos  sa  Wage Order No. 16,  ang  arawang  sahod  ng mga manggagawa  sa  mga lalawigan ng  North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at  Sarangani at mga lungsod  ng Cotabato,  Kidapawan, Tacurong, Koronadal, at General Santos  ay  magiging  P270   sa mga manggagawa sa non-agriculture, P248   sa agriculture plantation, P243  agriculture non-plantation, P246  sa  retail/service  na may  mahigit 10 trabahante, at  P240 retail/service na may hindi lalampas  sa  sampung manggagawa.

Sa Disyembre 1,  taong kasalukukuyan, ipatutupad  naman ang  ikalawang  bugso  ng   dagdag-sahod  upang makumpleto ang  P10 hanggang P14  na  umento sa  sahod batay  sa  Wage Order No. 17.

Ito ay  P4  bawat araw sa agriculture  plantation sector  at  retail/service sector  na  may mahigit sampung manggagawa at  P6  sa agriculture non-plantation sector at  retail/service  sector na hindi lalampas  sa  sampung empleyado.

Nangangahulugan ito na simula sa  Disyembre ang pinakamababang  pasahod  sa rehiyon ay  P270  sa  sector ng  non-agriculture, P252  sa agriculture plantation , P249  sa  agriculture non-plantation, P250  sa retail/service na may  mahigit 10 manggagawa, at P246  sa retail/service na may  hindi lalampas sa  sampu  ang empleyado. (Danilo Doguiles/PIA 12)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento