(Kabacan,
North Cotabato/April 9, 2012) ---Makatotohanang pambansang soberanya at
patrimonya ang sigaw at panawagan ng militanteng grupo ng mga kabataan sa
paggunita sa araw ng kagitingan ngayong araw.
IKinalulungkot
ng grupong ANAKBAYAN na sa kabila ng paggunita sa araw ng kagitingan hindi
naman umano binibigyang pansin upang
kilalanin ang tunay na pambansang soberanya at patrimonya ng ating bansa.
Ayon
kay Darwin Rey Morante, tagapagsalita ng ANAKBAYAN North Cotabato ginugunita
diumano ang pagkilala sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa pagkamit ng
tunay na demokrasya at kalayaan subalit sa kabila nito nananatili umano ang
pagiging tuta ng administrasyong PNoy sa mga amo nitong kano.
Aniya,
isang patunay diumano na ang pagsuporta nito sa isasagawang kauna-unahang
multilateral balikatan exercises na gaganapin sa bansa sa ika-16 hanggang 28 ng
buwan sa mga bayan ng Zamboanga, Jolo at Basilan. Hindi na lamang umano isang
imperyalistang bansa ang makikibahagi sa gagawing pagsasanay militar kundi
kasama na rin ang ibat-ibang mga kapitalistang bansa na lalahok rito.
Ikinababahala
din ng grupo ang inaaasahang pagdating ng 6,000 US Troops sa bansa, 4,000 umano
nito ay dadaong sa isla ng Zamboanga na pagdadaosan ng pagsasanay militar.
“Ang
dagdag na presensya ng mga amerikanong sundalo sa bansa ay ang posibleng
paglobo ng mga bilang ng paglabag sa karapatang pantao at ang direktang
pagyurak sa ating pambansang soberanya at patrimonya. Pinatunayan na sa
kasaysayan ang mga paglabag ng mga ito sa mga mamamayang Pilipino maging sa
hanay ng Bangsamoro at hindi hahayaan ng sambayanan na magpatuloy ito.”
Pagtatapos ni Morante.
Kaugnay
nito, nakatakdang lalahok ang militanteng grupo ng mga kabataan sa isasagawang
LAKBAYAN, isang Mindanao-wide caravan patungong Zamboanga City para sa isang
malawak na mobilisasyon sa pagdating ng mga amerikanong sundalo sa bansa; WE
LOVE MINDANAO, US TROOPS OUT NOW! Ang tema ng nasabing caravan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento