(Carmen, North Cotabato/April 12, 2012) ---Extortion o pangingikil ang
nakikitang motibo ng mga otoridad sa pagpapasabog ng Rural Transit Bus habang
papasok ito kahapon ng umaga sa Public Terminal ng bayan ng Carmen.
Ito ayon kay P/Senior Supt. Cornelio Salinas ang hepe ng Cotabato
Provincial Police Office kungsaan agad na inalerto rin nito ang kanyang mga
tauhan sa buong probinsiya bilang hakbang na ginagawa nila ngayon matapos na
malusutan na naman ang mga ito ng masasamang loob.
Kinilala naman ni P/Chief Inspector Jordine Maribojo ang hepe ng Carmen
PNP ang namatay na sina Gladzin Himpiso, 10 at Rona Mae Causing 18.
Sa panayam ngayong umaga ng DXVL – Radyo ng Bayan kay Rahid Abas,
personnel ng MSWDO-Carmen, nabatid na nadagdagan na ng isa ang nasawi sa
nasabing pambobomba.
Binawian kasi ng buhay ang isang anim na taong gulang na si Allan
Himpiso Jr., ng ilipat ito sa Davao city kagabi buhat sa Kidapawan City.
Kaugnay nito, aakuin naman ngayon ng LGU Carmen ang pagpapabalsamo at
ang pagbili ng kabaong ng tatlong mga namatay, ayon pa kay Abas.
Habang ang Cotabato Provincial Government naman ang sasagot sa lahat ng
gastusin ng mga biktima na na kasalukuyang nagpapagamot sa Kidapawan city, Amas
Provincial Hospital at dito sa bayan ng Kabacan.
Samantala, duda si Salinas na extortion ang nasa likod ng
panibagong pagsabog sa lalawigan.
May pattern raw kasi na sinusunod ang mga bomber.
Noon pa ay nakatatanggap na ng extortion threats sa iba’t
ibang mga lawless group, kabilang na rito ang Al Khobar, ang Rural Transit Bus.
Kaugnay nito, natukoy na nila ang suspek na responsible sa
nasabing pambobomba at inihahanda na nila ang kasong isasampa laban dito.
Sa ngayon agad na ipinag-utos ni Cotabato Governor Emmylou “Lala”
Talino Mendoza ang masusing imbestigasyon sa ikalawang pag-atake laban sa Rural
Transit Bus nito’ng taong ito.
Noong
Feb 7, isa ring IED ang sumabog sa loob ng bus na nagresulta sa pagkakasugat ng
isa katao. (Rhodz Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento