(USM,
Kabacan, North Cotabato/April 9, 2012) ---May inilatag ng seguridad ang Kabacan
PNP maliban pa sa ilang mga paghahanda ng security groups sa pagdating ng isa
sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa sa bayan ng Kabacan bukas.
Ito
ang tiniyak kahapon ni P/Supt. Joseph Semillano kungsaan si Vice Pres. Jejomar
“Jojo” Binay ang magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa graduation
rites ng University of Southern Mindanao sa araw ng bukas.
Si
Binay ay ipinanganak noong November 11, 1942 at naging produkto rin siya ng
Philippine Public School kungsaan nagtapos siya ng kanyang tertiary education
with a degree in political Science and Bachelors of Laws sa UP College of Law.
Samantala,
aasahan na rin ang libu-libung mga mag-aaral ang mamartsa sa nasabing
commencement exercises bukas matapos ang apat o higit pang taon sa pagsusunog
ng kilay at pamamalagi sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao.
Ang
USM, ang isa sa mga kinikilalang pinakamalaking unibersidad na nagbibigay ng de
kalidad na edukasyon sa bahaging ito ng Mindanao. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento