(Arakan, North Cotabato/April 9, 2012) ---Pagkatapos
magtago ng 17 taon, muli’ng naibalik sa kulungan ang pugante na kinilalang si
Cristitoto Tan matapos mahuli ng mga operatiba ng Arakan PNP, sa pangunguna ng
kanilang hepe na si Chief Inspector Joeffrey Todenio.
Ayon kay Todenio, nahuli nila ang naturang
pugante sa Barangay Katipunan ng Arakan – na halos ay nasa boundary na ng
Calinan district, Davao City at Bukidnon province, dahil sa tulong ng isang
government informant.
Di nga nagkamali ang Arakan PNP dahil naroon nga
sa lugar si Tan.
Di naman pumalag si Tan nang arestuhin nina
Todenio.
Ang pugante na si Tan ay may kasong homicide na
noon pang June 7, 1995 naiulat na tumakas mula sa Davao Penal Colony.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento