(Kidapawan City/April 10, 2012) ---Posibleng
dumanas ang Mindanao ng mahaba-habang blackout sa susunod na linggo.
Ito ay pagkatapos i-anunsyo ng
Department of Energy o DoE na sa April 17 ay sasailalim sa preventive
maintenance ang Pulangi-4 hydro-electric power plant na nasa Bukidnon province.
Ang planta ay nagsu-suplay ng
kuryente ng halos 180 megawatts para sa Mindanao grid.
Ang mahaba-habang blackout ay tiyak
makakaapekto na naman sa mga power consumers ng North Cotabato, sa particular,
mga residente at negosyante ng Kidapawan City, ayon kay City vice-mayor Joseph
Evangelista.
Inamin ng Cotelco na madadagdagan na
naman ang kakulangan sa suplay ng kuryente para sa Mindanao dahil sa
naka-schedule na power shutdown ng Pulangi-4 hydro electric power plant.
Posibleng aabot sa 300 hanggang 350 megawatts ang
magiging power deficiency sa Mindanao na mangangahulugan ng mahaba-haba na
namang brownout, lalo na sa mga lugar na ang electric cooperative ay walang
pinagmamay-ariang generator.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento