Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 patay; 33 sugatan sa pagsabog ng granada sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/April 14, 2012) ---Tatlo ang patay habang 33 naman ang nasugatan sa pagsabog ng granada ala 1:45 ngayong hapon lamang sa isang sabungan sa Sitio Lapu-Lapu, Brgy. Lawili, Aleosan, North Cotabato.

Ito ang kinumpirma sa DXVL – Radyo ng Bayan ni Mayor Loreto Cabaya sa panayam ngayong gabi kungsaan isa ang dead on the spot habang dalawa naman dito ang dead on arrival sa ospital.

Kinilala ni Mayor Cabaya ang mga sugatan na sina Jose Mario dela Peña,42; Fermin Caluquim at Vicente Sabando lahat ay residente ng nabanggit na brgy.


Samantala, dinala naman ang mga sugatan sa Amas Provincial Hospital, Aleosan district Hospital, Regional Hospital at sa iba pa kung saan nilalapatan ng karampatang lunas.

Ayon sa report hinagis umano ang nasabing granada sa isang sabungan ng di pa nakilalang salarin.

Nabatid na ang nasabing brgy ay magdiriwang kasi ng kanilang piyesta sa susunod na linggo.

Naniniwala naman si Mayor Cabaya na posibleng rido ang ugat ng nasabing insedente ito dahil ang lugar ay malapit sa conflict erya ng bayan ng Carmen.

Sa ngayon tinutugis na ng mga pulisya ang responsable sa nasabing insedente.

Kung matatandaan, 3 rin ang patay habang 17 naman ang sugatan sa pinakahuling pagsabog din ng Rural Transit Bus habang papasok sa terminal sa bayan  ng Carmen.

Ito na ang ikalawang pagpapasabog sa probinsiya sa loob ng linggung ito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento