Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hatol na kamatayan para kay PNoy, 16 iba pa na sinasabing responsable sa pagpatay sa pari’ng Italyano inilabas ng NPA

(Kidapawan city/April 11, 2012) ---Kasama sa hinatulan ng kamatayan dahil sa salang pagpatay kay Father Fausto Tentorio, PIME., ang presidente ng Pilipinas na si Benigno Simeon Aquino III.

         
Ang indictment ay may petsa’ng December 11, 2011 pero inilabas ito ng Merardo Arce Command ng NPA Southern Mindanao Regional Operations Command sa isang press statement, kamakalawa.
         
Maliban kay PNoy, kasama ring hinatulan ng kamatayan ng NPA sina Defense Secretary Voltaire Gazmin; AFP chief of staff Lt. Gen. Jessie Dellosa; at anim pang mga opisyal ng AFP Eastern Mindanao Command.


Nasa listahan din ng NPA ang negosyante’ng si Patrick Wineger na noong March 8 nila pinatay.

Wanted din ang isang Junie Corvala o si Kumander Iring na itinuturing ng NPA na lider ng mga Bagani; magkapatid na Jimmy at Roberto Ato; isang Nene Durano; isang alias Cain; at maraming iba pa.

Ayon sa Merardo Arce Command ng NPA, nahaharap sa kasong war crimes, crimes against humanity, at paglabag sa
International Humanitarian Law ang naturang mga personalidad.

Naniniwala ang grupo na ang pagpatay sa pari’ng si Tentorio ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pinaigting na Oplan Bayanihan na ipinatutupad ng AFP.

Ang Oplan Bayanihan – na dati’ng Oplan Bantay Laya, ay isang counter-revolutionary strategy na noon pang mga nagdaang administrasyon sinimulang ilunsad na ang layon ay durugin ang kilusang komunista.

Ayaw namang patulan ng AFP ang ipinalabas na hatol na kamatayan ng NPA kay PNoy at sa kanilang mga opisyal.

Sinabi ni Col. Leopoldo Galon ng Eastern Mindanao Command na walang bago sa mga isinulat ng Merardo Arce Command at matagal na raw ito’ng pinag-usapan.

At nasa korte na rin ang mga kaso ng pagpatay kina Father Tentorio at Wineger, ayon pa kay Galon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento