Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cafgu patay sa pamamaril sa bayan ng Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/April 9, 2012) ---Hindi na umabot ng linggo ng pagkabuhay kahapon ang isang kasapi ng Special Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary makaraang pagbabarilin sa may Sitio Matin-aw, Brgy. Rangayen, Alamada, Cotabato dakong alas 4:00 ng hapon nitong Sabado.


Kinilala ni 6th Division Public Affairs chief Col. Prudencio Asto ang biktima na si Valerio Dapar residente ng Sitio Del Pilar ng nabanggit na bayan habang naka destino naman sa isang detachment ng sundalo sa may Brgy. Batolawan, Pikit, North Cotabato.

Pauwin ng bahay ang biktima ng ito ay pagbabarilin ng suspek na nakilalang si Edwin Alas-ad gamit ang improvised 12 gauge shot gun na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala sa kanyang katawan.

Agad  namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad para sa posibleng ikadarakip ng mga suspetsado pero bigo po silang sa pag huli dito matapos na mabilis na tumakas papalayo sa crime scene.

Dinala naman ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay ng biktima para mabigyan ng desenting libing.

Possible umanong personal grudge ang motibo sa nasabing pamamaslang. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento