(Amas,
Kidapawan city/April 12, 2012) ---Inihahanda na ngayon ng cotabato Provincial
Police Office ang kasong isasampa laban sa suspetsado na responsible sa
pagpapasabog ng rural Transit Bus na may biyaheng Tacurong papuntang Cagayan de
Oro city kahapon ng umaga.
Ayon
kay PSSUPT. Cornelio Salinas, ang nasabing suspetsado ay idinadawit rin sa
nakaraang mga pamabobomba sa probinsiya ng North Cotabato.
May pattern raw kasi na sinusunod ang mga bomber.
Noon pa ay nakatatanggap na ng extortion threats sa iba’t
ibang mga lawless group, kabilang na rito ang Al Khobar, ang Rural Transit Bus.
(Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento