(Kabacan,
North Cotabato/March 31, 2012) ---Dismayado ang progresibong grupo ng mga kabataang kababaihan sa pagtatapos ng makasaysayang paggunita sa
pandaigdigang buwan ng mga kababaihan.
Mariing
ipinahayag ng grupo ang kanilang mahigpit na pagkadismaya sa kasalukuyang
administrasyon sa sunod-sunod na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at
presyong petrolyo nitong mga nagdaang linggo.
Magtatapos
na diumano ang paggunita sa makasaysayang Pandaigdigang buwan ng mga kababaihan
subalit lumalala ang krisis at kahirapan ang kinakaharap ng mga kababaihan
maging ang sambayanan sa kasalukuyan.
Ayon kay Jenifer Cardo, tagapagsalita ng
Gabriela youth-North Cotabato sa kasalukuyan, madilim diumano ang kinabukasan
ng mga kabataang kababaihan dahil sa tumitinding kahirapan, kahit mismo ang mga
sariling laman ay ikinakalakal dahil sa napakataas na halaga ng mga serbisyong
panlipunan partikular ang edukasyon sa ating lipunan na patuloy na tinatapyasan
ng pondo ng kasalukuyang gubyerno.
Sa kabilang dako, iginiit
naman ni John Rey Onting ng Progressive Gay of the Philippines International
(ProGay)-Kabacan ang kanilang pagkadismaya
sa patuloy na paninikil sa karapatan ng mga kabaklaan sa lipunan.
Aniya, isang tanda
lamang ng mga kababaihan ang diskriminasyon sa mga kabaklaan kung kaya’t
ang nararanasang diskriminasyon sa mga
kababaihan ay tinatamasa rin ng mga kabaklaan.
Nakatakdang lalahok ang
mga progresibong grupo ng mga kabataan sa isasagawang lakbayan sa zamboanga
city upang salubungin ng malawak na pagkilos ang pagdating ng mga amerikanong
sundalo sa bansa.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento