Cong. Jesus Sacdalan |
Ayon sa opisyal,
ninanais niyang kasama ang iba pang local and national officials na matapos ang
nasimulang proyekto dahil nakikita niyang malaking tulong ang Mlang Airport
para sa economic development ng North Cotabato at mga kalapit lalawigan.
Una nang sinabi ni
Cong. Sacdalan na maglalaan ang Department of Transportation and
Communication o DOTC ng additional funds upang maisaayos at maumpisahan ang mga kakulangang pasilidad ng paliparan.
Binigyang-diin din
ng kongresista na kung titingnan ay maituturing din umano itong bahagi ng
government peace process initiatives upang maipakita ng gobyerno ang sinseridad
nito na isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.Communication o DOTC ng additional funds upang maisaayos at maumpisahan ang mga kakulangang pasilidad ng paliparan.
Kung magiging fully
operational na ang paliparan, mas mapapabilis na ang pag-byahe ng mga produkto
patungo sa target market tulad ng Cebu at Metro Manila. Kapwa rin ito
pakikinabangan ng mga mamayan ng first at second congressional districts ng
lalawigan. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento