(Carmen, North
Cotabato/March 29, 2012) ---Hindi mangingiming magsasampa ng kaso ang Carmen
PNP sa mga grupong responsable sa panununog sa may dalawampu’t dalawang mga
bahay sa Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato.
Ito ayon kay P/Insp.
Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP sakaling may mag-surface witness nito sa
kanila matapos ang nangyaring labanan ng MNLF at MILF sa lugar.
Bagama’t humupa na
ang girian sa dalawang naglalabang grupo, sinabi naman ng opisyal na may
dalawang tropa ng military ang idineploy sa erya mula sa 7IB at 38IB na siyang
titiyak sa seguridad sa Sitio 5 ng brgy Tonganon.
Sa impormasyon
pinadala ni Maribojo abot nalang sa 176 na mga pamilya ang ngayon ay
pansamantalang nanunuluyan sa brgy Tonganon proper matapos na lumikas.
Una dito, sinabi ni Kumander
Teo ng Moro National Liberation Front o MNLF na depensa lamang umano ang
kanilang ginawa nang lusubin noong Linggo ng grupo ni Kumander Tarzan ng Moro
Islamic Liberation Front o MILF ang kanilang malawak na lupain sa Barangay
Tonganon, Carmen.
Ayon sa report, away
sa lupa ang dahilan ng girian ng dalawang grupo matapos na inaangkin kasi ng
grupo ng MILF ang mahigit 300 ektarya ng lupain ng MNLF sa lugar.
Nitong Martes ng tanghali,
tinungo ng International Monitoring Team o IMT, sa pangunguna ng kanilang
pinuno na si Brig. Gen. Zulkifli Muhammad Nur, ang lugar na pinangyarihan ng
bakbakan ng MNLF at ng MILF.
Nagsilbing security
forces nila ang tropa ni Lt. Col. Benjamin Hao, commander ng 7th
Infantry Battalion. (Rhodz Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento