(Matalam,
North Cotabato/March 26, 2012) ---Nanguna ang Operatiba ng Criminal
Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato sa pag-aresto sa isang
mag-sasakang may kinakaharap ng kasong frustrated homicide sa isang brgy sa
bayan ng Matalam, nitong Biyernes.
Kinilala
ni CIDT-North Cotabato Provincial Director, Chief Inspector Elmer Guevarra ang
suspek na si Judith Rocillo, 41 at residente ng brgy. Estado, Matalam.
Kasama
ni Rocillo ang asawa nitong si Danilo, 32 taong gulang na sumuko sa mga
otoridad.
Kapwa
nasasangkot ang dalawa sa kasong frustrated homicide na nangyari noong
nakaraang taon.
Nag-ugat
umano ang nasabing kaso matapos na barilin ng kanyang kapatid si Judith ng
magtalo ang dalawa noong 2011, hindi tinamaan si Judith pero ng Makita ng
mister nitong si Danilo ang ginawa ng bayaw sa misis, kinuha nito ang itak at
tinaga ang lalaki.
Sugatan
sa pnanagaw ang kapatid ni Judith subalit sa halip na si Judith ang magsampa ng
attempted homicide sa kapatid inunahan na raw siya nito ng sampahan siya kasama
ang mister niya ng frustrated homicide.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento