(Amas, Kidapawan city/March 28, 2012) ---Mismong hinamon rin ng mga babaeng mambabatas ng probinsiya ng North Cotabato ang kanilang sarili kung papaanu pa nila mapaintindi sa Barangay lebel o “grassroot level” ang karapatan ng bawat kababaihan.
Ito ayon kay Board Member Shirlyn “Neneng” Macasarte sa isang press conference na isinagawa kahapon bilang culmination program ng Women’s Month Celebration.
Aniya, malaking hamon umano sa kanila ang nasabing usapin bukod pa sa pagpanday ng mga batas na may kinalaman sa pag-eempower ng mga kababihan sa probinsiya ng North Cotabato.
Aniya, hindi lamang magtatapos ang awareness ng mga kababaihan sa pagkilala ng kanilang karapatan sa mundong ginagalawan sa buwan ng kababaihan kundi pagkilala ito ng pantay-pantay na karapatan ng bawat isa babae man o lalaki.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng abot sa libu-libung mga kababaihan mula sa iba’t-ibang mga munisipyo ng lalawigan ng North Cotabato. (RB ng Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento