(Kabacan, North Cotabato/March 27, 2012) ---Nito
pang nakaraang buwan ipinatupad na ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco
ang power rate adjustment nila na .02 centavos sa mga residential consumers
maliban pa dito sa mga high at low voltage consumers.
Ito ayon kay Cotelco spokesperson Vincent
Lore Baguio matapos na maaprubahan ang RSEC-WR ng Energy Regulatory Commission.
Kaya naman kahit na araw-araw ay may load
curtailment na ipinapatupad ang National Grid Corporation of the Philippines o
NGCP may maramdaman pa rin increase sa kuryente ang mga consumers nito.
Kaugnay nito, aminado ang cotelco na di rin
nila kontrol ang biglaang pagkawala ng kuryente na siya’ng inaalmahan ngayon ng
mga negosyante sa North Cotabato.
Ito dahil nakadepende sila sa ibinibigay ng NGCP.
Ayon kay Metro Kidapawan City chamber of
commerce and Industry Ramon Floresta, apektado ng black-out ang kani-kanilang
mga negosyante.
Maging ang ilang mga internet café sa
Kabacan, hinto rin sa operasyon kapag brown-out.
Kaya naman may paalala ang cotelco sa mga
may ari ng mga appliances upang di masira ay bumili ng AVR para maregulate ang
pumapasok na kuryente. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento