(USM,
Kabacan, North Cotabato/March 29, 2012) ---Magandang balita para sa mga
naghahanap ng trabaho, dahil gagawin ngayong araw dito sa University of
Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato ang job fair na itinakda ng Department of Labor and Employment 12 sa iba’t -ibang bahagi ng rehiyon bago magtapos ang buwan ng Marso.
Magsisimula
ang jobs fair alas 7:00 ngayong umaga na gagawin sa USM gymnasium.
Ang nasabing
job fair ay sa pakikipagtulungan ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao at
ng Public Employment Service Office.
Inaasahang
daan-daang mga bakanteng trabaho sa
loob at sa labas ng bansa ang
maaring aplayan ng
mga magtatapos ngayong
taon at ng iba pang
naghahanap ng mapapasukan.
Kaugnay
nito, hinikaya’t ngayon ng University Guidance counselor ang mga
magsisipagtapos ngayong taon na dumalo sa nasabing jobs fair upang ngayon pa
lamang ay makahanap na ng trabaho ang mga ito.
Samantala,
may paalala naman si TESDA Deputy
Director General Atty. Teodoro C. Pascua sa mga aplikante na
huwag munang maghanap ng trabahong may malaking sahod.
Sa halip isipin
muna ang pagpapakita ng kakayahan
at kahusayan sa pagbibigay ng serbisyo
at tiyak
umano na susunod ang mas
magandang sahod.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento