Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cotabato Media Shooters Association (CMSA) binuo

(North Cotabato/March 28, 2012) ---Dahil sa umiinit na banta sa buhay ng mga mamahayag sa bansa binuo ang Cotabato Media Shooters Association sa pagtitipon ng mga print at Broadcast Media sa lungsod ng Kidapawan.


Gary Fuerzas, President CMSA
Umupo bilang Presidente ng Cotabato Media Shooters Association (CMSA) si Garry Fuerzas Area NewsChief  ng Bombo Radyo at Chairman ng Committee to Protect Journalists ng National Union of Journalists of the Philippines.

Vice-President for Radio si Erwin Cabilbigan ng DXMY RMN Cotabato City.

Vice President for Tv si Carlo Agamon ng TV-5 at DXND NDBC Kidapawan City,Philippine Daily Enquirer

Secretary:Jun Jacolbe ng Radyo Natin
Treasurer:Alex Lopez ng Sandigan power patrol
Auditor:Vivien Manay Domidcel ng Charm Radio
PIO:Leve De Pilar ng Radyo Ukay at Arangkada Balita
Mga Business managers sina Jo Esquerdo ng Freedom FM
At Rhoderick Beñez ng DXVL FM- Radyo ng Bayan

Naitalaga naman na mga Board of Directors ang mga station managers ng ibat-ibang himpilan sa North Cotabato.

Jimmy Sta Cruz ng DXND/NDBC
Gil Bautista ng DXCM Radyo Ukay
Wella Dela Cerna ng Wow Radio
Erlindo Osana ng GNN Tulanan
Joseph Ballejera ng Z-101 FM
Merlyn Aznar ng Mindanao Express

At kabilang sa mga Advisers sina Rolly Sacdalan,Aleosan Mayor Loreto Cabaya at dating Press Secretary at Mindanao Times Publisher Atty Jess Dureza.

Pakay ng pagbuo ng CMSA  na hasain at turuan sa tamang paghawak ng armas ang mga mamahayag,disiplina sa sarili sa pagdadala ng baril na may kaukulang Firearms License at Permit to Carry Firearms outside resident.

Ayun kay dating Press Secretary   Atty Jess Dureza na ang pagdadala ng armas ay hindi para ipagyabang ngunit para sa proteksyon sa sarili lalo na sa mga miembro ng Media na may banta sa buhay.

Sinabi nito na kung may dala lang sanang baril si Cris Guarin ng General Santos City ay maaaring makaganti pa sana ito sa mga suspek na bumaril patay sa kanya.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento