Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpatay sa 3 katao sa North Cotabato, itinanggi ng MILF

(M’lang, North Cotabato/March 31, 2012) ---Inihayag ng isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na nakabase sa Datu Montawal, Maguindanao na wala silang kinalaman sa pangingidnap at pagpatay sa tatlong magbobote-bakal na taga-M’lang, North Cotabato.


Mismong si Kumander Bhutto ng MILF ang tumanggi sa nasabing akusasyon matapos na possible umanong ginamit lang ng mga suspect ang pangalan niya para ipahid sa kanya ang krimen.

Nabatid sa report na si Kumander Bhutto ay nakausap mismo ni M’lang Mayor Joselito Pinol.


Ayon kay Pinol, isang nagpakilalang Kumander Bhutto ang nakausap niya noong Martes ng gabi kung saan sinabi nito na pinatay nila ang nagbobote-bakal dahil sa hinala na mga spy ang mga ito ni Mayor Uttoh Montawal na kalaban raw nila.

Noon pang Martes nawawala ang magkapatid na sina John May Mira, 20, at Ian Novert Mira, 17; at Aaron Roy Carera, 22, pawang taga-M’lang.

Sakay raw ang tatlo ng Kawasaki Baja motorcycle na may plaka’ng MO-3306 at patungo ng Barangay Dugong, Montawal para bumili ng mga bote at bakal sa mga bahay-bahay.

Hanggang ngayon, di pa rin sila matagpuan.

Kaya may hinala si Mayor Piñol na totoong pinatay na ng mga armado ang tatlo.

Inaalam na lamang nila kung saan inilibing o itinapon ang bangkay ng tatlo para makuha nila at mabigyan ng disenteng libing. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento