(Kidapawan City/March 26, 2012) ---Sa
paniwalang wala sila’ng quasi-judicial powers para resolbahin ang kasong administratibo
na isinampa ng mga natanggal na miyembro ng Central Mindanao
Construction-Multi-Purpose Cooperative o CMC-MPC kontra sa kanilang mga
opisyal, nag-isyu kamakaylan ng CERTIFICATE OF NON-RESOLUTION ang Cooperative
Development Authority o CDA patungkol dito.
Isa pang sinasabing dahilan ng CDA
kaya dinismis nito ang kaso ay ang tinatawag na ‘forum shopping.’
Ito ay dahil nalaman ng CDA na
maliban pa sa CDA ay nagsampa ng reklamong kriminal sa Ombudsman Mindanao ang
mga complainants.
Kinuwestyun ito ni Engineer Ed
Daquipa, isa sa mga complainants at natanggal na miyembro ng CMC-MPC.
Ayon kay Daquipa, magkaiba ang mga
kaso na isinampa nila sa naturang mga opisina: sa CDA ay kasong administratibo,
at sa Ombudsman, kasong kriminal.
Noong October 2011, kinasuhan nina
Daquipa at iba pa ng dishonesty, grave misconduct, at paglabag sa Republic Act
9520 o Cooperative Development Code of the Philippines ang siyam na mga opisyal
ng CMC-MPC, kabilang na rito ang chairman ng Board of Director at ang kanilang
General Manager.
Maliban dito, kinasuhan din sila ng
kriminal sa Ombudsman, kabilang na rito si dating Department of Agriculture o
DA-11 regional director Roger Chio.
Duda kasi ang grupo na may mga
fraudulent contracts na pinasukan ang CMC-MPC sa gubyerno, kabilang na rito ang
Kidapawan City LGU, Matalam LGU, at ang DA-11, na nagkakahalaga ng P104
million.
NAGBIGAY ng kanilang panig ang kampo
ng mga respondents, sa pamamagitan ng kanilang legal counsel na si Atty. Greg
Andolana.
Si Andolana ang itinuturing na
‘father of cooperatives’ dahil isa sa mga nagpanday ng batas para mabuo ang CDA
noong siya ay kongresista pa ng ikalawang distrito ng North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento