(USM, Kabacan, North Cotabato/March 27, 2012) ---Kamakailan lamang ay pormal na ipinakilala ang pitong mga Scholars ng University of Southern Mindanao- Mindanao Bridging Leadership Program o USM-MBLP sa katatapos na Acceptance Ceremony sa USM Hostel, Kabacan, Cotabato.
Ayon kay USM-MBLP Formator Marcos Monderin
ang nasabing programa ay pinonduhan ng World Bank kungsaan katuwang ng USM sa
pag-iimplementa ng programa ang Asian Institute Management.
Kaugnay nito ang mga napiling scholars ay
nakatutok sa mga kasalukuyang mga isyu na kinakaharap partikular na ng mga
taga-Mindanao na may kinalaman sa gender, peace at Community Development.
Sinabi pa ni Monderin na karamihan sa mga
target na scholars sa programang ito ay mga high profile leaders na nasa gobyerno
o nasa pribadong sektor na may iba’t-ibang mga divide o programa bilang
adbokasiya ng mga ito sa pagpapalaganap ng kanilang adhikain.
Isa sa mga Scholar sa nasabing programa ay
si Lt. Col. Benjamin Hao, ang commanding officer ng 7th Infantry
(TAPAT) Battalion, Philippine Army.
Ang kanyang isinusulong na programa ay ang
“Peace Divide” sa pitong mga brgy na sinasabing Zone’s for Peace kungsaan si
Hao ang Battalion Commander sa erya.
Sa kanyang mensahe, sinabi naman ni USM Pres
Jess Derije na nagpapasalamat ito sa pagkakasali ng pamantasan sa nasabing
programa na sumusulong sa kapayapaan at katahimikan ng Mindanao.
Saksi ang pangulo na hindi magulo ang
Mindanao partikular na ang North Cotabato lalong lalo na ang USM. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento