(Kabacan,
North Cotabato/March 29, 2012) ---Abot sa 157 na mga sako ng abono na
may brand name Amigo Planters ang kinumpiska ng mga operatiba ng Criminal
Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato sa isang malaking
agri-vet supply center dito sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, alas 5:00
ngayong hapon lamang.
Ibinatay
ng CIDT ang kanilang operasyon sa search warrant na inisyu noong March 28 ng
Regional Trial Court branch 24 na nakabase sa Metro Manila.
CIDG Major Elmer Guevarra |
Sa
panayam ng DXVL News kay CIDG Major Elmer Guevarra nabatid na ang laman ng
nasabing mga abono at pestisidyo ay hinaluan umano ng asin na mahigpit na
ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code
of the Philippines.
Maging
ang CIDG, aminado na biktima ng nasabing sindikato ang may-ari ng LS Agri-Trade
na nasa Aglipay St., Poblacion, Kabacan na si Ginoong Hector Simplicio, aniya
dumarating lang sa kanya ang naturang mga stocks mula sa kanyang mga supplier
at ibinibenta niya sa kanyang mga parokyano.
Sa
157 bag na kinumpiska ng CIDT, 153 rito ay Amigo Planters; lima ang moriate
potassium; isang sako ng Urea; at nakabukas na Amigo planter na pinaniniwalaang
binago rin ang laman.
Ayon
sa CIDT-North Cotabato, ang raid sa mga distributor ng Amigo Planters ay hindi
lamang sa lalawigan isinagawa, kundi maging sa iba pang panig ng
bansa.
Nasa
kustodiya ng CIDT ang naturang mga produkto.
Kasama
ng CIDT sa operasyon ang Kabacan PNP, sa pangunguna ni Chief Insp. Edilberto
Leonardo; at isang representative mula sa RTC Branch 24 Manila, ilang mga lokal
na opisyal ng brgy. Poblacion na sina Kagawad Edna Macaya, Kgd. David don Saure
at kgd. Debby Boone Aguinaldo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento