(Carmen, North Cotabato.March 25, 2012) ---Bagama’t
humupa na ang engkwentro sa pagitan ng dalawang naglalabang grupo na MILF at
MNLF sa Putok 5, Sitio Maputi, Brgy. Tonganon sa bayan ng Carmen, North
Cotabato, tiniyak naman ngayon ni Lt. Aries Dela Cuadra ng 7IB, Philippine Army
na nasa ligtan na kalagayan ang may 166 na mga pamilyang na silikas dahil sa
nangyaring kaguluhan sa lugar.
Ito ang sinabi ngayong umaga sa DXVL ng
opisyal, aniya 1.5kilometro ang layo ng engkwentro sa pagitan ng grupo nina
Kumander Karim ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Kumander Teo ng Moro
National Liberation Front (MNLF) sa Tonganon proper.
Sinabi ni dela Cuadra na rido o girian sa
dalawang grupo ang dahilan ng nasabing labanan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento