(Midsayap, North
Cotabato/March 27, 2012) ---Inihayag ni North Cotabato First District Representative
Jesus “Susing” Sacdalan na sinisikap ng national government na tapusin ang sinimulang
rural airport na nakabase sa Brgy. Tawan- tawan, Mlang, North Cotabato.
Ayon sa panayam sa
opisyal, may karagdagang 100 Milyong pisong pondo na ilalaan ang national government
sa natukoy na proyekto, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent
Roderick Bautista.
Dagdag ni Cong.
Sacdalan, magmumula umano ang karagdagang pondo sa Department of Transportation
and Communication o DOTC. Upang maipagpatuloy ang proyekto, may commitment na si
DOTC Secretary Mar Roxas na maghahanap ito ng additional funds mula sa kanyang
departamento.
Ngunit binigyang-
diin ni Cong. Sacdalan na ang nasabing adisyunal na pondo ay ipapanukala muna
nila sa Committee on Appropriations ng Kongreso upang maisali sa dilberasyon ng
annual budget ng gobyerno sa susunod na taon.
Hiniling din ng dating
gobernador na sana ay huwag bigyang kulay ang mga pagsisikap na ito dahil kapwa
layunin ng national at provincial officials na maipagpatuloy ang magandang
proyektong nasimulan na mapakikinabangan ng higit na nakararami.
Personal ding
binisita ng kongresita ang kalagayan ng Mlang Airport.
Kasama sa ocular visit
si Second District Representative Nancy Catamco, Kidapawan Mayor Rodulfo
Gantuangco, Former Board Member Rey Pagal at kinatawan ng media.
Matatandaang sinimulan
ang Mlang Airport Project noong 2001.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento