Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbuo at pagre-activate ng CVO sa bayan ng Kabacan; iginigiit sa katatapos na MPOC meeting

(Kabacan, North Cotabato/March 26, 2012) ---Ipinanukala ni Engr. Cedric Mantawil, kasapi ng MPOC ng Kabacan LGU ang pagbuo ng Task Force CVO upang tututok sa pagbabantay sa lahat ng mga sulok ng Kabacan, partikular na sa mga checkpoint na naka-assign sa mga barangay.


Ito upang ma-mobilize ang mga Civilian Volunteer’s Organization ng bayan, na siya ring iginigiit ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP sa isinagawang Municipal Peace and Order council Meeting na isinagawa sa LGU Conference Hall, nitong Biyernes ng hapon.

Kaugnay nito, hinikaya’t ni councilor Edmundo Apuhin na siya’ng chairman ng committee on Peace and Order ng Sanggunian na dapat ay pangungunahan ng ABC Pres ang pag-reactivate at pagbuo ng Task Force CVO sa bayan.

Pero, ayon kay Supt. Semillano dapat umanong suportahan ng pamahalaang lokal ang nasabing panukala lalo na sa pagbibigay ng honorarium sa mga ito, upang magpapatuloy ang kanilang commitment.

Dagdag pa ng opisyal na dapat ay magkakaroon ng 1 is to 1 hand held radio ang lahat ng mga pulis at military personnel gayundin ang mga naka duty na CVO, ito upang mabilis na malaman ang anumang di kanais-nais na pangyayari sa saan mang sulok ng bayan sa pamamagitan ng komunikasyong ito.

Sa kabuuan, sinabi ni Semillano na mapayapa, matiwasay at tahimik naman sa kabuuan ang bayan maliban na lang anya sa talamak na paggamit at bentahan ng illegal na droga sa bayan partikular na dito ang shabu.

Sinabi rin ng opisyal na tumaas ngayon ang kaso ng nakawan ng mga laptops at cellphones kungsaan pangunahin mga suspetsado rito ay mga minor de edad kaya napapalaya ang mga ito matapos na mairefer sa DSWD dahil sa juvenile law.

Naireport din ng opisyal ang pagbaba ngayong unang quarter ng taon ng kaso ng carnaping partikular na ang insedente ng nakawan ng motorsiklo sa kahalintulad na buwan ng nakaraang taon.

Samantala, ibinunyag naman ni 7th IB Commanding Officer 1Lt Kenneth Buenaventura na may intelligence report silang natatanggap na may apat diumano na IED ang posibleng ipapakalat sa bayan, gayunpaman sinabi ng opisyal na may action taken namang ginagawa ang kanilang pamunuan.

Tumanggi namang ihayag ng opisyal kung anung grupo ang nasa likod nito, bagama’t aminado siyang panggugulo lamang ang motibo na nasa likod nito. (RB)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento