Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ninakaw na motorsiklo; narekober ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/March 26, 2012) ---Narekober ng mga otoridad dito sa bayan ng Kabacan ang isang pinaniniwalaang ninakaw na motorsiklo mula sa bayan ng Makilala.


Ito matapos na positibong itinuro ni Datu Giama Plang, 24 at residente ng Palmes Boarding House, Poblacion, Kabacan na ang muffler na nakalagay sa nasabing motorsiklo ay tanda na sa kanya ang nasabing motor.

Ang nasabing nakaw na motorsiklo ay nakita sa likod ng Petron gasoline station na nasa harap ng Kabacan Pilot Elementary School habang inaayos sa isang repair shop sa lugar.

Kaya naman, sa pangunguna ni P02 John Michael Yambao ng Kabacan PNP agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang umaaktong may ari ng nasabing sasakyan na si Faisal Bateg, 23, mag-sasaka at residente ng Sitio Limbalod, Brgy. Tunggol, bayan ng Datu Montawal, Maguindanao.

Nang hanapan ng mga otoridad ng kaukulang dokumento ang umaaktong may ari nabatid na palsipikado o peke ang mga papeles na hawak nito.

Kaya naman, agad na isinailalim sa crime lab ang nasabing sasakyan at sa isinagawang eksaminasyon lumalabas na ang mga chassis at plate number ng motor ay tampered.
Lumalabas na ang nasabing motorsiklo ay nakarehistro sa isang Janice Rolona Hasyima ng Datu Mulod Badid St, Brgy. Saguing, Makilala.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman mula sa kapatid ng may ari ng motorsiklo na si Jenny Porras na ang nasabing sasakyan ay ninakaw habang nakaparada ito sa kanilang bahay noong pang March 4, 2012.

Ang motorsiklo ay naibigay sa may ari nitong March 23, matapos na magpakita ng mga kaukulang dokumento ang totoong may ari ng nasabing sasakyan.

Habang inihahanda naman ng mga otoridad ang kasong kakaharapan ng mga suspetsado sa nasabing pagnanakaw. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento