(Kidapawan
City/March 24, 2012) ---Nagtapos noong Huwebes ang tatlong araw na Para-Legal
Training na pinangunahan ng Department of Agrarian Reform-Region 12 na
isinagawa sa Spottswood Methodist Center sa Kidapawan City.
Partner
ng DAR-12 sa pagbibigay ng training ang Balaod Mindanaw, isang Para-Legal group
na nakabase sa Cagayan de Oro City.
Dumalo
sa naturang pagsasanay ang 34 na mga magsasaka at iba pang itinuturing na
‘marginalized sector’, kabilang na ang indigenous peoples o mga katutubo at
urban poor.
Layon ng training na
mabigyan sila ng sapat na kaalaman patungkol sa isyu ng para-legal, lalo na
patungkol sa mga batas na nagpoprotekta ng karapatan nila sa lupa.
Ang training sa
Kidapawan City ay isa lamang sa 20 training activity na ibinibigay ng DAR, lalo
na sa mga lugar na mataas ang ‘land distribution’ o LAD balance sa pagpapatupad
ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.
Ang mga target area sa
North Cotabato para sa Para-Legal nationwide training ay kinabibilangan ng
Magpet, Matalam, Mlang, Carmen, Tulunan, at Kidapawan City, ayon kay Sara Jane
Sinsuat ng DAR-12 information office.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento