(Kidapawan City/March
20, 2012) ---Kasama ang dating Chief of Police ng Davao city at isang Army
officer sa dalawampu’t tatlo katao
na nahuling naninigarilyo sa loob ng palengke ng Mega Market sa Kidapawan city.
Kinilala ni Mega Market
Head ng civil Security Unit Antonio Malinao, ang kanilang nahuli noong
nakaraang linggo na sina Sr. Supt. Lito Culahag, dating chief of police ng
Davao City; at retired Army officer Mario Atus.
Wika ni Malinao na
naaktuhan ang mga ito na humihithit ng sigarilyo sa hindi designated smoking
area sa palengke na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Ordinante 02-258.
Sinimulan ng CSU ang
paghuli sa mga lumalabag sa ordinansa noong March 12.
Sa dalawampu’t tatlo
katao, tatlo sa kanila ang nag-community service, habang ang iba nagbayad ng
kaukulang penalidad.
Ayon kay Malinao,
magpapatuloy ang kanilang hulihan sa mga maaaktuhan nilang humihithit ng
sigarilyo sa mga hindi designated smoking areas, particular sa mega market at
iba pang public places.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento