(Kabacan, North Cotabato/March 23, 2012) ---Tiniyak
ngayon ng pamunuan ng Kabacan PNP ang seguridad sa mga matataong lugar kagaya
ng palengke at terminal bilang paghahanda ng mga ito sa pagbuhos ng mga
papauwi at paparating na bakasyunista ngayong summer season.
Sinabi ni Supt. Joseph Semillano, hepe ng
Kabacan PNP na naglatag na rin sila ng security measures sa mga lugar na
posibleng dadaanan ng prusisyon at maging sa simbahan.
Panata na ng maraming Kristiyano ang makiisa
sa pagdiriwang ng mahal na araw tuwing sasapit ang panahon ng Cuaresma bilang
akmang panahon para sa pagbubulay-bulay at pagbabago.
Dahil dito, tiyak na dadami ang dagsa ng tao
lalo pa’t magkakaroon ng mahabang bakasyon dahil sa walang pasok na sa eskwela.
Kaugnay nito, mina-maximize ngayon ng mga
kagawad ng pambansang pulisya ng Pilipinas ang mga pulis Auxiliary nito kasama
na dito ang mga militar para tiyakin ang seguridad sa nasabing okasyon.
Samantala, sinabi naman sa DXVL Radyo ng
Bayan ni 602nd Commanding Officer Col. Ceasar Sedillo na may mga
contingency plan na rin silang inilatag hinggil rin sa nasabing okasyon.
Ayon sa opisyal nasa normal na sitwasyon
naman ang buong erya na sinasakupan ng 602nd brigade maliban na
lamang sa isang rido na nangyari tatlong araw na ang nakalilipas sa bahagi ng
Datu Montawal na pinag-aawayan nina Kumander Bhuto at ang grupo ni Andy
Montawal.
Kaugnay nito, mismong si Governor Ismael
“Toto” Mangudadatu ang pumunta sa erya para i-pacify ang nasabing rido.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento