(Midsayap, North Cotabato/March 21, 2012)
---Ginanap ngayong umaga sa Midsayap Municipal Gymnasium ang State of the
Municipality Address o SOMA na pinangunahan ni Mayor Manuel M. Rabara.
Partikular namang tinukoy ng alkalde ang mga
naipatupad na proyekto sa kanyang nasasakupang bayan ng Midsayap sa
pakikipagtulungan sa tanggapan ni North Cotabato First District Representative
Jesus “Susing” Sacdalan. Ilan sa mga implemented infrastructure projects na
nabanggit ng opisyal ay ang construction of drainage canals sa kahabaan ng
Midsayap- Makar road at sa Poblacion 4 at concreting of municipal roads sa
Poblacion 2, Poblacion 6, at Poblacion 7. Ayon kay Mayor Rabara, ang mga
proyektong ito ay pinondohan mula sa Priority Development Assistance Fund o PDAF
ng kongresista at 100% completed na.
Pinasalamatan din ng alkalde ang ginagawang
Milk Feeding Program na ipinapatupad sa mga paaralan. Ang programang ito ay
kapwa isinusulong ng opisina ni Cong. Sacdalan, LGU Midsayap at ng Department
of Education.
Inihayag din ni Mayor Rabara na ang bagong
gawang Integrated Bus Terminal na nakabase sa Sadaan, Midsayap ay naisakatuparan
hindi dahil sa loan ngunit sa pamamagitan ng savings ng municipal government na
siyang dahilan kung bakit mabagal o by phase ang construction ng natukoy na
proyekto.
Bilang bahagi ng inisyatibo nito kontra
katiwalian sa gobyerno, Hinikayat naman ni Mayor Rabara ang bawat Midsayapeá¹…o
na isumbong sa kanyang tanggapan ang sinumang empleyado ng LGU Midsayap na may
ginagawang hindi naaayon sa batas.
Bago magtapos ang SOMA ay pinasalamatan ni
Mayor Rabara ng bawat Midsayapeá¹…o sa patuloy na pagtitiwala at suporta sa mga gawain
ng pamahalaan. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento