(Kabacan, North Cotabato/March 21, 2012) ---Isa
sa mga short term solution na nakikita ng Department of Energy DoE upang
masulosyunan ang krisis sa enerhiya sa Mindanao ay ang planung paglilipat ng
ilang mga power barge buhat sa Visayas papuntang Mindanao.
Ito ang napag-alaman mula kay NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza sa mga inilatag na programa ng pamahalaan.
Maliban dito, nais din ng ahensiya na
buhayin ang Iligan Diesel Power Plant na may tinatayang 100megawatts ang
kapasidad subalit matagal na umano itong di na nagagamit.
Sa kabila nito, hinikaya’t din ng opisyal
ang mamamayan na ang pinakamainam pa rin na short term solution ay ang magtipid
ng kuryente.
Dagdag pa nito na aabutin pa umano ng tatlo hanggang
limang taon bago makapagtayo ng panibagong power plant na sinasabing long term
solution ng pamahalaan sa lumalalang krisis sa enerhiya sa Mindanao.
Gayunpaman, nais linawin ng pamunuan ng NGCP
na ang pagbibigay ng load curtailment sa mga kooperatiba o sa mga distributor
ng kuryente ay hindi umano sila ang gumagawa ng desisyon bagkus ay may
sinusunod umano silang matrix na galing sa National Power Corporation o Napocor
na pangunahing nagbibigay ng alokasyon sa NGCP sakaling kukulangin ang supply
sa Mindanao. (RB ng Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento